Tungo sa layunin na higit pang paigtingin ang agri-fishery research for development, patuloy ang pagsasagawa ng mga field visit sa iba't ibang rehiyon ng bansa ang DA-BAR. Nitong nagdaang linggo, si DA-BAR director Junel Soriano at ang mga staff mula sa bureau ay nagtungo sa iba’t ibang project sites sa Cagayan Valley Region.

Nagbigay ng pasasalamat si Dir. Soriano sa mga kasamahan sa DA-Cagayan Valley Regional Field Office na pinangungunahan nina Regional Executive Director Mr. Narciso Edillo, Regional Technical Director Ms. Rosemary G. Aquino; at Research Division Chief Ms. Lovelyn Gaspar, gayundin sa Cagayan State University, sa pangunguna ni President Urdujah Alvarado, sa pagpapaunlak at pagsama sa monitoring team ng DA-BAR. 

Higit na produktibo ang pag bisita at maraming mga aktibidad ang isinagawa. Kabilang sa mga ito ang isinagawang MOA signing ng mga bagong R4D projects na matatagpuan sa DA-RFO at CSU; pagsasagawa ng farmers field day sa Lapogan, Tumauini at Sto. Nino, Cagayan; at, monitoring and evaluation ng mga ongoing and completed BAR-supported R4D projects at facilities.

Freedom of Information

Transparency Seal

BAR Official Page

Photo Releases

News and Events