Isa na naman produktibong linggo ang nagdaan! 

Noong nagdaang Enero 27 hanggang 28, 2022, sila Dir. Junel Soriano, Asst. Director Joell Lales, Dr. Josie Valdez, at mga staff ng DA-BAR ay bumisita sa DA Quezon Agricultural Research and Experiment Station.

Sa pangunguna nina DA-CALABARZON Research Division Chief Eda Dimapilis; DA-QARES Chief Rolando P. Cuasay, Research Unit head Dennis D.L. Bihis, Livestock Unit head Marjorie Lalap-Sepina; DA-CALABARZON Research Division planning officer Lilibeth Carreon, nagsagawa ng monitoring and evaluation ng ilang proyekto na pinapatupad ng nasabing DA station sa pamamagitan ng suporta ng DA-BAR. Kasama rito ang pagbisita sa Municipal Training Center na kinatatayuan ng pasilidad para sa proyektong “Intensifying Sapinit Commercialization in the Province of Quezon” at “Utilization and Commercialization of Selected Underutilized Fruit Crops.” Nagtungo rin sila sa pasilidad ng Cacao Growers Association kung saan ginaganap ang produksyon ng iba’t ibang Cacao products. Binisita din ang pasilidad ng Virgin Coconut Oil sa barangay Cabay, Tiaong, Quezon. Ito ang nagsisilbing kabuhayan para sa mga kababaihan ng barangay at sa mga kalapit na lugar. 

Si Dir. Soriano at buong grupo ng DA-BAR ay mapalad ring pinaunlakan ng mayor ng Dolores, Quezon na si Orlan A. Calayag. Nagkaroon ng diskusyon at palitan ng mga ideya at suhestiyon tungkol sa pagsasagawa at pagpapaunlad ng mga programang agrikultural sa munisipalidad ng Dolores. Bilang tugon sa mga binahagi at nakitang suliranin ng bayan ukol sa kasalukuyang lagay ng kanilang agrikultura, patuloy na papalakasin at pagtitibayin ang ugnayan ng mga magsasaka at mangingisda.

Freedom of Information

Transparency Seal

BAR Official Page

Photo Releases

News and Events