Kasunod ng pagbisita sa Pampanga State Agricultural University, kasama sina DA-BAR director Dr. Junel B. Soriano at assistant director Joell Lales at iba pang staff ng bureau, ay bumisita sa Department of Agriculture-Central Luzon Integrated Agricultural Research Center (CLIARC) for Upland Development research station noong Enero 21, 2022.
Kasama sina DA Central Luzon OIC-Regional Technical Director for Research and Regulations Dr. Arthur Dayrit and DA-CLIARC for Upland Development research station Chief Dr. Emily Soriano, ang grupo ay nagsagawa ng monitoring and evaluation activities ng mga proyektong sinuportahan ng DA-BAR. Kabilang na dito ang "Accelerated Production and Commercialization of Purple Yam in Selected IP groups in Central Luzon" at ang CLIARC Multi-purpose R4D Facility. Pinuntahan din ang kanilang processing facility kung saan ginagawa ang mushroom crackers at ang ube powder na kapwa resulta ng mga proyektong sinuportahan ng DA-BAR sa center.
Bukod sa palitan ng mga rekomendasyon, plano, at mga kasalukuyang progreso ng mga proyekto natin dito, nabigyan din ang DA-BAR ng pagkakataon na mabisita ang ilan pa sa mga pasilidad ng research station gaya ng breeding and raising facilities ng kuneho (rabbit) at tupa (sheep).